Game Feature: Tekken 6

Ang Tekken franchise na exclusive sa Playstation until 2009 ay lumabas noong 1994 at naging isa sa mga innovations pagdating sa mga fighting games. Kung lalaruin mo ang Tekken 1 ngayon ay matatawa ka lang sa mga galaw nila at maiinis sa kung gaano sila kabagal tumayo kapag naknock down sila. Pero siyempre sa paglipas ng panahon eh gumaganda din ang quality ng mga games. Ang latest Tekken Game na ni-release ngayong taon ay Tekken Tag Tournament 2, kaso hindi ko pa yun nata-try kaya sasabihin ko na lang kung bakit Tekken 6 ang Best Fighting Game of 2012.
Gusto ko rin sana magkamuscles pero busy ako magmemorize ng combo.
Expansive Character Roster
 
-40 characters
-Unique fighting style for each character (with very few exceptions)
-All characters have their own backstory that somehow connects with the main story
-Costumes are fully customizable
 
Siguro ang pinakaimportante sa isang fighting game ay ang mga characters na magagamit mo. Kahit maraming pagpipilian ay isang character lang ang pagpapraktisan mo nang buong araw sa buong linggo. Ang Tekken 6 ang isa sa mga games na may pinakamaraming characters na pwede mong gamitin, at ang 40 playable characters ay may kanya kanyang fighting styles.
Merong at least dalawang default costume sa isang character na pipillin mo gamit ang punch or kick button (may ilang veteran characters tulad ni Jin at Kazuya na may third costume na mapipili gamit ang Triangle button), at kahit nagagandahan ka na sa costume nila ay pwede mo pang icustomize mula ulo hanggang paa ang fave fighter mo para naman unique.
Ang boss character ng Tekken 6 na siguro ang pinakamahirap talunin sa series. Si Azazel ay hango sa isang totoong Egyptian deity, at talaga namang nakakainis at mahirap siyang talunin. Sobrang laki ng character na to: lampas ang ulo niya sa screen, kaya ka niyang tamaan kahit napakalayo mo sa kanya at malalakas ang bawas ng bawat atake niya pero ang pinakanakakainis siguro ay meron siyang “Automatic Defense,” kaya minsan kahit umaatake siya at sinubukan mo siyang icounter attack eh hindi nagcoconnect. Pinakaeffective na paraan para talunin siya ay juggling o aerial combo, pero pwede mo rin naman siyang paulanan lang ng suntok at sipa, swertehan nga lang.
Azaness ka naman na matatalo mo siya ng ganun ganun na lang

Azaness ka naman na matatalo mo siya ng ganun ganun na lang

Amazing Graphics
 
Game engine looks really beautiful
-Lots of creative and dynamic stages
-The ending movies are in CGI, and they all look very good
 
1994 pa naituring na maganda ang graphics ng Tekken, at ngayong 2012 na at Tekken 6 na ang meron, talagang top-notch pa din ang visuals ng fighting game na to. Mula sa characters hanggang sa stages, talaga namang mamamangha ka pero wag naman sobra kasi baka ma-K.O. ka ng kalaban mo. 3D fighting game ang Tekken, meaning na hindi tulad ng Street Fighter o kaya Marvel vs. Capcom, pwede mong ikutin ang stage at three dimensional talaga ang character mo. To compare, ang Street Fighter 4 at Marvel vs. Capcom 3 ay mga 2.5D games o mga 2D characters na gumagalaw sa isang 3D space (makikita mo ang background in 3D pero ang mga characters ay rendered in comic style). Example ng ibang 3D fighting games ay Dead or Alive, Soul Calibur, Bloody Roar…
Masarap lumaban pag may mga fountains.
Maganda ang pagkakadesign sa mga characters at lahat sila ay memorable at madaling madistinguish kung which is which. Lahat sila siyempre ay rendered in 3D kaya kita mo ang bawat curves, o bawat peklat na meron sa katawan nila. Ang environments ay mga 3D stages na pwede mong ikutan at libutin para makipagsuntukan. Ingat sa mga walls kung saan pwede kang macorner ng kalaban, pero yung ibang stage naman ay open kaya tuloy tuloy lang ang suntukan kahit saang dako kayo mapunta. Ang iba nga ay may multiple planes pa kung saan minsan nagcocollapse ang sahig para mapunta ka sa entirely new environment kung madalas mong naibabagsak ang kalaban mo parang sa Mortal Kombat.
.

Scenario Campaign Mode
 
Great new game mode that adds 15-20 hours of “Story Mode”
-New environments that are not seen on Arcade Mode
-Great mode for earning money for customes
 
Kumpleto sa modes ang Tekken, mapa-Arcade, Team Battle, Survival, o anu pa mang hinahanap mo sa isang fighting game. Pero may isang mode sa Tekken 6 na wala ang ibang games, at iyon ay ang scenario campaign mode. Sa ibang games siguro, ang tawag sa mode na ito ay story mode, campaign mode o iba pa, pero iba pa rin ang meron sa Tekken. Siguro nga story mode pa rin iyon, pero hindi na lang siya bastang one on one sa loob ng ring, kundi isang beat ‘em up style na game na ang bida ay ang bagong character na si Lars Alexandersson.
Iba talaga ang quality ng Mishima Wax!

Iba talaga ang quality ng Mishima Wax!

Sa loob ng scenario campaign mode mo pwedeng i-unlock yung mga CGI Ending Movies (na minsan ay ang tanging dahilan kung bakit may naglalaro ng Tekken). Magandang addition ang mode na ito sa buong laro, at actually kahit katulad lang ito ng minigame from Tekken 3, ito ang pinakamagandang addition sa latest game nila. Lagi mong kasama si Alisa dito (isa pang bagong character) na controlled ng AI, pero mas maganda kung meron kang ka co-op.

Great Fighting Mechanics and Great Practice Mode
 
Very newcomer-friendly
-Fight mechanics are one of the simplest and most complex at the same time
-Very hard to master even one character but very rewarding
-Mastering one character is not enough if you want to be the best
 
Unang una, ang mga moves ng Tekken ay combo based, at kailangan mo lang pindutin ang mga buttons in the right order na paminsan minsan ay sinasamahan ng onting directions mula sa D-pad. Minsan nga hindi mo na kailangan ng training at kahit ano lang pagpipipindutin mo ay makakagawa ka na ng combo kaya talaga namang easily accessible ang game na ito para sa mga newcomers, although hindi advisable ang button mashing.
Lahat ng characters ay may mahiwagang ilaw kapag umaatake

Lahat ng characters ay may mahiwagang ilaw kapag umaatake

Para naman sa mga gustong masterin ang laro na to, ang practice mode ang unang kelangan mong puntahan. Ang mga moves ng character mo ay makikita sa command list. Madali lang din ang pagmemorize, dahil pinapakita dun mismo kung saang direksiyon mo dapat papuntahin ang character mo at kung anong buttons mismo ang pipindutin mo. Hindi sasabihing HP, o low punch, o MK; ipapakita sayo kung anong buttons ang dapat mong pindutin para magawa ang combo. Pagkatapos magpractice sa AI ay magonline ka para makalaban ka sa ibang players na puro mga foreigners na ikikick ka kaagad dahil sa taas ng ping mo.

Bawat button ay nakamap sa isang limb ng character. Square at Triangle para sa mga atake sa kamay, at Cross at Circle naman para sa mga atake sa paa. Kusa kang magbablock kung lumalakad ka paatras o nakasteady lang habang umaatake ang kalaban. Pag sabay mong pinindot ang Cross at Square, o kaya ay Triangle at Circle, yayakapin ng character mo ang kalaban at magpeperform ng “Throw” na isang unblockable attack pwera lang kung pipindutin din niya ang parehong buttons na pinindot mo na magreresulta sa cancel. Kung mahilig magblock ang kalaban mo, pwede ka gumamit ng low attack sa pamamagitan lang ng arrow down + foot attack na magdadamage sa kanya. Hindi lang dapat basta atake ng atake, kelangan mo din basahin ang isip ng kalaban.

Other Plus Points
 
Large community so you always have someone to play with
-Competitive online play with ranking system and leaderboards
-Main story is hard to understand but each character has a back story, some even have rivalries or love interests
-Humour
-Humans, Robots and Animals make up the fighting roster
 
Kung hindi Street Fighter o Marvel vs. Capcom, Tekken na siguro ang pinakasikat na fighting game sa Pilipinas. Halos lahat ng bidyuhan ay nakitaan ko ng Tekken. Tekken ang isa sa mga pinakasikat na laro sa Timezone, Quantum, at iba pang arcades.  Kung magoonline mode ka ay laging merong player ka na makakalaban para hindi puro CPU ang tinatalo mo (or tumatalo sayo) pero ingat ka lang kasi pag masyadong malag eh baka pumangit lang ang win-loss record mo.
Isa pang plus point ang ranking system kung saan may title kang makukuha sa paglalaro ng offline Ghost mode or online multiplayer. Pwede mong pataasin ang rank ng character mo mula beginner, hanggang Tekken God sa PSP, pero sa PS3 kasi kung offline ka lang maglalaro ay hanggang 1st dan lang ang maaabot mo na ten ranks na mas mataas lang kesa sa beginner. Kung gusto mo pang lumevel up eh kelangan mo nang magonline. Minus points siguro to para sa mga taong may mabagal na internet pero para sa mga competitive players ay plus plus points ang feature na to.
Consistent ang main story line pero laging magulo at hindi maintindihan. Ngayon ko nga lang nalaman na tatay ni Jin si Kazuya. Pati ang main story ng scenario campaign mode ay medyo nagkukulang. Pero kung titingnan mo na lang ang mga back story ng bawat character ay mas maliliwanagan ka pa. Ang sibling rivalry ni Anna at Nina, ang bankrupt na restaurant ni Law, ang paghabol ni Lei kay Feng, ang paghanap ni Yoshimitsu ng masasamang loob na ipapakain sa espada niya, at marami pang iba na interesting malaman. May humour pa kaya mas ayos.
Yan ang mga dahilan kung bakit peborit kong fighting series ang Tekken, at kung bakit Tekken 6 ang pinakamagandang fighting game ngayong 2012 para sakin. Kung agree ka sakin oh may iba kang game na mas type, libre lang magcomment at magrereply naman ako kapag nabasa ko hehe. Medyo mahaba tong post na to noh? Import lang kasi to ng 2-part feature mula dun sa video game blog ko sa blogspot na buburahin ko na dahil hindi ko mamaintain. Anyway PS3 lang ang game console ko sa ngayon kaya kung gagawa pa ako ng ibang articles tungkol sa games ay for PS3 yun. Long Live Play!
Advertisements